Kapitan Sino – more details

Hey I know you’re craving for the 7th book and you’re scouting all the NBS around the metro to find a copy. While your efforts are not paying and you’re cravings are not met, here’s a little something to entice your excitement for Bob Ong’s 7th book, Kapitan Sino.

Repost from the Bob Ong mailing list:

<.-.> Para sa kapakanan ng mga mambabasa mong naghintay sa bagong libro, pwede
mo bang sabihin sa amin kung tungkol saan ang Paboritong Libro ni Hudas?
<BO> Kapitan Sino?
<.-.> Ah, oo, Kapitan Sino pala. Hehe. Ang ganda-ganda kasi ng Paboritong
Libro ni Hudas. Yon ang paborito ko sa mga libro mo e. Hindi dahil sa nandoon
ako, pero marami talagang nagsasabi na maganda yung Paboritong–
<BO> Ahem, um, ang Kapitan Sino ay tungkol kay Rogelio Manglicmot na nakilala ng
mga tao bilang isang superhero sa katauhan ni Kapitan Sino.
<.-.> Ang haba ng pangalan! Para sakin mas gusto ko pa rin yung mga isinulat
mong tauhan na five characters lang ang pangalan, yung simple lang, yung parang
puro punctuation mark lang….
<BO> Ah, magugustuhan mo si Bok-bok, kasi may punctuation mark din ang pangalan
nya!
<.-.> Sino naman yun?
<BO> Kaibigan ni Rogelio. Marami kang makikilala sa mundo ni Kapitan Sino.
<.-.> Pati si Tesla?
<BO> Si Tessa. Pero tama ka, dahil kinuha ko ang pangalan nya kay Nikola Tesla.
Isa sa pinakamagaling, kundi man ang pinakamagaling, na electrical engineer sa
kasaysayan, pero kaawa-awang naagawan ng maraming imbensyon.
<.-.> Hindi ba si Tessa ang nagpatagal ng ika-pitong libro?
<BO> Nagkakahiyaan kasi sila ni Rogelio. Nahirapan tuloy akong magsulat ng
kwentuhan nila. Yung iba ngang usapan, hindi na nila ipinasulat sa akin.
<.-.> Kaya ba isang buong araw kang nakinig ng mga senti?
<BO> Hehehe. Higit pa. Paulit-ulit-ulit akong nakinig ng mga love song, kasama
na yung kanta ni Carole King, nang ilang linggo habang isinusulat ang tagpo
nila. Pilit din akong nanood ng romantic movies pandagdag inspirasyon, at
nagpaturo sa romance novel writer na dating miyembro ng Bobong Pinoy YahooGroup.
Ewan kung pasado na ang gawa ko.
<.-.> Totoo bang lumang superhero si Kapitan Sino?
<BO> Hindi. Sya ang pinakabagong superhero…noon.
<.-.> 80’s? Ibinalik mo ba ang oras sa Dekada Otsenta?
<BO> Oo, kaya mas akma ang kwento sa mga 27 years old pataas. Baka merong mga
hindi gaanong maintindihang detalye ang mga mas batang mambabasa. Makakatulong
kung meron silang mapagtatanungang matanda.
<.-.> Hmmm… mukhang interesante itong ika-walong libro.
<BO> Ika-pito. Pero tama ka ulit, dahil may mauuna pa dapat akong libro dito,
kundi lang nakiusap si Mayor na paunahin ko na sila.
<.-.> May Mayor? Matatapatan ba nito ang dami ng celebrity sa Paboritong Libro
ni Hudas?
<BO> Tinutukoy mo ba sila Donita Rose, Marvin Agustin, at Tootsie Guevarra na
nasa ikatlong libro? Ikinalulungkot ko, pero mas hitik at nag-uumapaw sa mga
celebrity ang Kapitan Sino.
<.-.> Pero hindi mo maitatangging ako ang pinakasikat mong celebrity dahil
lumabas ako sa dalawang libro!
<BO> Tama. Lumabas ka sa itim at puting libro. Pero may iba pa kong tauhan na
lumabas din ulit dito sa Kapitan Sino.
<.-.> Huh?! Hindi mo ko pinasasaya sa mga sagot mo, Bob Ong! At bakit ako
magkaka-interes kay Kapitan Sino kung nung 80’s pa ang adventure nya?
<BO> Kung itatanong mo yan pagkatapos magbasa, hindi mo naintindihan ang libro.
<.-.> Saan ba ko kukuha ng kopya?
<BO> Unti-unti na pong nagkakaroon ngayon ang mga paborito nyong eatery o
sari-sari store. Kung wala pa, baka naubusan lang kayo. Subukan nyo ulit sa
ibang araw.
<.-.> Magkano ba?
<BO> 75 pesos lang po…kung panahon ni Cory Aquino! Pero dahil 2009 na,
P175.00 po ang isa.
<.-.> Matagal-tagal bago nasundan ang Macarthur.
<BO> Ito ang pinakamatagal na agwat ng pagsusulat ko. Pero natapos din ang
libro, salamat sa inspirasyon mula sa mga mambabasang tagapagpalakas ng loob at
umaasang laging masusundan pa ang huling librong nabasa nila. Dahil sa simpleng
hiling nila na laging masabihan kagad kung may bago na silang mababasa kaya
ginagamit na naman kita ngayon para sa official announcement.
<.-.> Sanay na ko. Alam ko kailangan mo ng celebrity endorser para sa Kapitan
Sino. Idagdag mo na lang sa talent fee ko yung t-shirt ng officialuse.net.
<BO> Punta ka sa Komikon sa UP sa Sabado, May 16. 
http://visprintpub.blogspot.com/ Meron doong mga t-shirt ni Bob Ong. Mura lang
dahil hindi ka na magbabayad ng shipping fee. Pagkakataon mo na!
<.-.> Aba, talagang double-purpose ang patalastas ah! May Swine Flu ka pa sa
lagay na yan.
<BO> Sipon lang.
<.-.> Sa susunod mong libro wag kang gagawa ng announcement pag may sipon ka,
kasi lalong kumo-corny.
<BO> Sige, susubukan ko. Salamat.

Author: pinkurinal

Comments

  1. Pingback: The Pink Life » Kapitan Sino [might be] Bob Ong’s newest book

  2. astig talaga si bob ong napaka daming lesson at marami rin natatamaan sa mga books nia lalo na sa mga pinoy!! weee nakumpleto ko na lahat ng books nia sobrang astig kase!! keep up the good work BOB astig ka sa lahat ng KABATAAN!!

  3. “PAGBILAN NGAAA!” iyan ang unang linya ng KAPITAN SINO kapag nasimulan mo nang basahin ang mga bagong aklat na ito ni Bob Ong.”

    Last week pumunta pa ako ng Baguio and Dagupan City, out-of-stock raw ang aklat, buti na lang at meron dito sa Urdaneta city na katabing bayan lang namin at pinakamalapit pa! Ehehehe! (May aral ako sa experience na iyan).

    Pagkauwi ko sa hauz kaninang 7pm, binasa ko na at natapos ko at the moment na kinocompose ang post na ito.

    Napakasimple though may may fiction ang kwento, napamakatotohanan naman ang paglalarawan niya sa ating lipunan ngayon. Sana hindi nga magtatapos sa ating mambabasa ang pagbasa lang ng mga aklat ni Bob Ong, kundi maisagawa natin ang nais iparating ng lahat ng mga sinulat niya.

    Two-thumbs up! Great book.

  4. aww. ..wala pa ko nyan! matagal ko ng nakikita sa mga sari sari stores pero di ko pinapansin. ..lumpia lang kasi kaya kong bilin. .hehe. ..bibili ako nyan sa unang sweldo ko. ..pramis. sana sumulat naman si BOB about sa mga presidentiables nanun 2010.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *